1 patay sa barilan

MANILA, Philippines — Isang sinasabing miyembro ng ‘gun-for-hire’ ang nasawi, isa ang sugatan at dala­wa ang naaresto sa barilan ng mga tauhan ng Quezon City Police District  at ng mga suspek sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi. Hindi pa makilala habang isinusulat ito ang napatay na suspek.

Kabilang sa sugatan si Aries Libre, 35, at nadakip sina Jerry Taturan, 41, at Gerome Gonzales, 18. Nabawi sa mga suspek ang isang kalibre 45 baril na armscor, dalawang shotgun na pawang may mga bala.

Show comments