MANILA, Philippines — Nanawagan si QC Vice Mayor Joy Belmonte sa mga millennials na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag ma-ging instrumento ng kasinu-ngalingan at paninirang puri.
Sa kanyang mensahe sa ginanap na commencement exercises ng Asian College of Science and Technology sa Project 3, binagyang diin ni Belmonte ang masamang epekto ng maling paggamit ng social media sa tao at sa lipunan.
“Fake news abounds. Trolls are now for hire, ready to swamp a target with hatred and animosity…as graduates of this institution, your primordial task as you go out into the world is to reverse that tide, the world needs you, but be careful not to pollute the world with more untruths for what the world needs are not simply peddlers of information. What the world needs are critical thinkers who are able to separate truth from lies,” pahayag ni Belmonte Ayon pa kay Belmonte, ang mga millennial ang pinakamaipluwensyang sektor ngayon kaya nararapat lamang na maturuan silang maging responsable sa paggamit ng social media.
Inudyukan niya ang mga kabataang mag-aaral na gamitin ang mga natutunan nila sa paaralan sa pagsuring mabuti sa mga impormasyong nakukuha nila sa social media.
Pinayuhan din ni Belmonte ang mga kabataan na sumunod sa yapak ng mga kahanga-hangang tao tulad nina Nicolaus Copernicus, Mahatma Gandhi, Nelson Mandela, at Jose Rizal, na nakipaglabang mag-isa upang labanan ang kasinungalingan at maling pag-iisip ng mga tao.