20 bilanggo sa Navotas City jail, nag-graduate

MANILA, Philippines — Nagawang makakuha na ng pinapangarap na dip­loma ng nasa 20 preso ng Navotas City Jail makaraang makapagtapos sa kanilang pag-aaral sa elementarya at high school.

Sa isang simpleng sere­monya, pinarangalan nina Mayor John Rey Tiangco at Navotas City Jail Warden J/Insp. Ricky Heart Pegalan ang 20 mga bilanggo na nagpatuloy ng pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga nagsipagtapos na inmates na hindi nasusukat sa tagal ng inilagi sa kulu-ngan ang kanilang pagkatao at nararapat na gumuhit ng bagong kabanata sa kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

“Dapat lang na ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral upang mapaghandaan ninyo ang inyong paglabas at muling pagtayo bilang produktibo at mabuting miyembro ng ating pamayanan.

Hinikayat niya ang mga graduates na magpatuloy ng pag-aaral ng mga kursong teknikal-vocational sa mga training centers sa lungsod para agad na mapakinaba-ngan sa pagtatrabaho o kaya ay mag-aplay ng scholarship sa Navotas City Polytechnic College pagkalabas nila ng bilangguan.

May dalawang training cen-ter ang Navotas na nagbibigay ng mga kursong welding, automotive servicing, dressma-king, bread and pastry production at iba pa na pinakamabilis na makakuha ng trabaho. 

May dalawa pang training centers na maaari namang mag-aral ng animation at visual graphics skills habang libre ang pag-aaral sa Navotas Polytechnic College.

Show comments