‘Maricel Soriano,’ 12 pa, timbog sa drug ops

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga otoridad ang labingtatlong drug suspek kabilang ang isang babaeng kapangalan ni ‘Diamond Star’ Maricel Soriano sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City, nabatid kahapon.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga naarestong sina Maricel Soriano, 37, ng 168 Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa, Jerald Sese, 32, ng Brgy. Pag-asa at Cedric Ferreros, 40, ng Brgy. Bag-bag; Allan Vivero, 25, ng Brgy. Katipunan at David Brianes, 37, ng Brgy. San Antonio;  Felipe Ladonga, 57, ng Brgy. Talipapa; Jao Co, 21, at Kenneth Santos, 24, kapwa ng Dalandanan, Valenzuela City; Artemio Espidol Jr., 63, ng Brgy. East Kamias, Leah Labios, 49, ng Brgy. Tandang Sora at Carlos Dela Rosa, 26, kapwa ng Brgy. Pasong Tamo; Vicente Kapulong, 42, at Anthony Baluran, 28, kapwa ng Unang Hakbang, Galas.

Ayon kay Eleazar, naaresto ang mga nabanggit na suspek sa inilargang anti-drug operation sa iba’t-ibang panig ng lungsod at nakumpiska mula sa kanila ang kabuuang 9 na sachet ng shabu, drug paraphernalias, buy-bust money, 1 plastic bag ng dried marijuana.

Ayon pa kay Eleazar, ang mga suspek ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang si Vivero ay mahaharap din ng hiwalay na kaso ng paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Show comments