^

Metro

‘Tulak’ patay sa drug bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 29 -anyos na  umano’y  ‘tulak’ ng iligal na droga nang manlaban sa isinagawang  buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Manila Police District-Station 2-Station Anti-Illegal Drugs (SAID) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Bryan Sy, walang trabaho at residente ng  Area-B,  Parola Compound , Tondo.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-Station 2 chief, Supt. Santiago Pascual lll, dakong  alas-11:15 ng umaga kamakalawa nang isagawa ang buy-bust sa lugar ni Sy.

Nakabili ang poseur-buyer ng halagang P1,500 na shabu  subalit naging atubili umano si Sy dahil napansin na may mga kasamang lalaki ang buyer. Mabilis na bumunot umano ng baril si Sy at tinangkang putukan ang kaharap na inunahan namang magantihan ng putok ng mga tauhan ni team leader na si Chief Insp. Rommel Salazar. Narekober ang marked money, kalibre 38 baril, 11 plastic sachet ng shabu.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with