^

Metro

‘Bundol-bundol’, petmalu na modus sa lansangan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Bundol-bundol’, petmalu na modus sa lansangan

MANILA, Philippines — Sa mahabang panahon ng pagbabalita ng ­Pilipino Star ­NGA­YON, samu’t-saring uri ng modus operandi ng mga kriminal na grupo ang nailantad na sa publiko base na rin sa interbyu sa mga awtoridad at ng pahayagang ito.

Kabilang naman sa mga nangungunang modus ope­randi ng mga masasamang loob ay ang mga iligal na aktibidad ng Salisi Gang, Dugu-dugo Gang, Zesto Gang, Budol-budol Gang, Automated Teller Machine (ATM) scam, mga kawatan sa condominium at mga opisina, Laglag-barya Gang, Dura gang at iba pa na pawang halos lantad na sa publiko.

Isa na naman sa mga bagong modus operandi ng mga elementong kriminal na ikinababahala ng Philippine National Police (PNP) ay ang ‘pekeng bundol modus operandi ‘ kung saan ang nagpapanggap na biktima ay tinalo pa ang aktor sa telenovela na kunwari ay dumaraing ng matinding sakit matapos na gumulung-gulong sa kalsada.

Ang mga impostor o nagpapanggap na biktima ay humihingi ng pera sa may-ari o driver ng sasakyan na kunwari ay nakabangga sa mga ito.

Sinabi ni Chief Inspector Bryan Gregorio ng PNP Public Information Office, na mag-ingat laban sa pekeng bundol modus operandi  partikular na ang ‘TALAKBO’ o mas kilala bilang Taho, Lako, Bundol modus operandi.

Nabatid na sa pamamagitan ng isang video na naging viral sa social media nitong nakalipas na buwan ay nabisto ang modus operandi ng isang taho vendor  sa Tondo sa lungsod ng Maynila na normal na naglalakad sa kalsada hanggang sa maganap ang kunwaring pagkakabundol ng behikulo dito.

Ang nasabing taho vendor na nagpanggap na nabundol ay gumulung-gulong pa sa kalsada habang hawak ang paa at dumaraing ng matinding sakit.

“Actually napaka-cheap nung gimmick nila sa modus operandi ng TALAKBO, yan yung Bundol modus ope­randi na kasama sa mga tinututukan ngayon ng PNP anti-crime units,” ayon kay Gregorio.

Gayunman, matapos na irebyu ng mga awtoridad at ilang netizen na nakapanood ng video ay tila may kakaibang dahilan ang nasabing taho vendor mismo ang ibinangga ang sarili sa behikulo.

At matapos na katukin ang behikulo kung saan ay todo daing pa ito ng sakit sa dramang pagkakabundol sa kaniya ay dito na umareglo ang driver na binigyan ito ng pera para pampagamot sa ospital.

Samantalang pagkaalis ng driver ay balik na sa normal ang paglalakad ng taho vendor na parang walang nangyari at dito’y nabistong hindi ito totoong nasaktan.

Ganito rin ang modus ­operandi ng isang lalaki na nakunan ng CCTV sa lalawigan ng Cavite na nagpanggap ring nabundol ng behikulo na hiningan nito ng perang pampa-ospital ang umano’y nakabundol sa kanya.

Samantalang sa isa pang insidente, ay nakilala mismo ng mga nurse ang lalaking dramatistang nabangga na labas masok na umano sa nasabing pagamutan sa kunwaring  pagkakabundol dito.

Nagbabala naman ang opisyal sa mga nagdra-dramang kriminal na tigilan na ang kanilang modus ­operandi dahilan sa baka magkatotoo ang pagkakabundol ay ikapahamak pa ng mga ito at kung mamalasin ay maging buhay pa ang kapalit.

“Yung ginagawang drama ng mga kriminal na ‘to, baka sa aksidente ay magkatotoo, sila rin ang mapapahamak kaya makabubuti pang tigilan na nila ang pambibiktima,” ani Gregorio.

Hinikayat pa nito ang mga kinauukulan na sa halip na gumawa ng masama ay magbagumbuhay at mag­hanapbuhay nang marangal upang hindi makarma sa hinaharap dahilan sa ang lahat ng kasamaan ay may kabayaran.

Inihayag naman ng opis­yal na walang pinakamabuting gawin upang maiwasang mabiktima ng mga masasamang loob kundi ang mag-ingat, maging alerto  at isumbong sa Text PNP Hotline 0917-847-5757 at Text Bato 2286 ang mga ganitong modus operandi  para maaksyunan ng mga awtoridad.

PSN32ANNIV2018

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with