Tigil pasada muling ikinasa
Protesta sa jeepney phaseout
MANILA, Philippines — Ikinasa ng transport group na Pinagka-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) ang panibagong tigil pasada sa araw ng Lunes, Marso 19.
Sinabi ni PISTON National President George San Mateo, layunin ng naturang tigil pasada na ipakita ang mahigpit nilang pagtutol sa jeepney modernization program na ipinaiiral ng gobyerno.
Magiging sentro aniya ng kanilang tigil pasada sa Metro Manila ay ang mga lugar ng Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Anda Circle sa lungsod ng Maynila at Alabang sa Muntinlupa.
Magsasagawa rin sila ng protesta sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Rizal.
Iginigiit ni San Mateo na sa ilalim ng tinututulan nilang programa ay walang patutunguhan ang mga jeepney drivers at operators kundi bumili ng mga bagong yunit na papabor sa rekisito ng gobyerno.
Aniya pa, kulang ang P3 bilyon na inilaang pondo ng pamahalaan para sa mo-dernisasyon.
Hindi umano sila titigil hangga’t hindi sila pinaki-kinggan ng pamahalaan.
- Latest