Barangay kagawad, 1 pa timbog sa drug-bust

Ang nadakip na Brgy. Kagawad na si Ronald Falcis at kasama nitong babae makaraang mahulog sa isinagawang drug bust operation sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling araw. (Kuha ni Joven Cagande)
MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad at isang 43-anyos na babae sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng mada-ling araw sa Pandacan, Manila.
Kinilala ni MPD –Station 10 commander Superintendent Robert Domingo ang nadakip na kagawad na si Ronald Falcis ng Brgy. 852 at ang babaeng si Jennifer Garilao.
Ayon kay Domingo nasakote ang mga suspects sa isinagawang buy-bust operation sa may West Zamora St. sa Pres. Quirino Avenue dakong ala-1:10 ng mada-ling araw.
Narekober sa mga nadakip ang dalawang sachets ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at ginamit na marked money sa operasyon.
- Latest