P8.9- M puslit na sigarilyo, paputok nasabat ng BOC
MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau Of Custom ang tinatayang P8.98-M halaga ng puslit na mga sigarilyo at mga paputok sa Port of Manila.
Ang mga kontrabando ay lulan ng dalawang 40-footer vans na galing sa China na misdeclared na sigarilyo at paputok ay naka-consign sa Paragon Platinum International Trading Corporation na may tanggapan sa unit 108, The Centennial Bldg., 375 Escolta St., Binondo, Maynila.
Isang Bernandine Miranda ng 3034 Bagac St., Manuguit, Tondo, Manila ang natukoy na customs broker ng nasabing kargamento.
Dumating sa bansa ang shipment noong February 21 na idineklarang mga brackets ngunit sa pagsusuri ay natuklasan na kahun-kahon ng mga sigarilyo.
Isa ring shipment na naka-consign sa Power Buster Marketing na may tanggapan sa Baria Compound, Paradahan 1, Tanza, Cavite na dumating noong February 27 na nadiskubreng kahun-kahon ng fireworks imbes na sapatos o footwear.
Ililipat sa kostudiya ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office ang mga paputok habang ang mga sigarilyo ay sisirain ng BOC.
- Latest