^

Metro

Customs broker itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Customs broker itinumba ng tandem

Sinisiyasat ng mga tauhan ng PNP-SOCO ang labi ng Custom broker na si Raymond Aniceto na tinambangan ng riding-in-tandem, kahapon ng umaga sa Caloocan City. (Kuha ni Miguel de Guzman)
 

MANILA, Philippines — Patay ang isang Customs broker makaraang tamba-ngan habang lulan ng kanyang kotse ng riding-in-tandem na suspects, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala sa pamamagitan ng kanyang Professional Regulation Commission identification card ang biktima na si Raymond Aniceto, 26, at naninirahan sa Raja Soliman Street, Brgy. 36, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang  kot­seng Honda Civic (DQ6324) dakong alas-7:30 ng umaga sa may D. Aquino Street sa pagitan ng 3rd at 4th Street, Brgy. 47 nang dikitan ng motorsiklo ng mga suspects  at walang habas itong pinagbabaril.

Tinamaan ang biktima sa ulo at leeg na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.  Mabilis namang tumakas ang mga salarin na hindi na naga-wa pang mahabol ng mga pulis.

Ayon sa mga saksi, nakita pa nilang kumain sa isang karinderya sa naturang lugar ang mga suspek bago duma-ting ang biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa insiden­te upang mabatid ang pagka­kakilanlan sa mga sala­rin, habang aalamin rin kung may kinalaman ang pamamaslang sa trabaho nito bilang Customs broker.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with