Libreng tuition sa Quezon City Polytechnic University, isusulong ni Joy Belmonte

MANILA, Philippines — Sa halip na magbigay ng scholarship sa mga piling mag-aaral lang, isusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbibigay ng 100 porsyentong libreng matrikula sa Quezon City Po-lytechnic University (QCPU).

Ayon kay Belmonte, may kakayahan ang lokal na pa­mahalaan, na may annual budget na P19 bilyon, na i-sub­­sidize nang buo ang nasa-bing unibersidad, partikular na ang tuition at miscella-neous fees ng mga mag-aaral.

“At present, we have QCPU, pero ‘di siya libre, ito ay socialized tuition fee at the moment,” sabi ni Belmonte.

Sa ilalim nito, ang binabayarang matrikula ng mga nag-eenrol ay depende sa kakayahang pinansyal ng kanilang pamilya.

“This is one of the challenges we face – kailangan na talaga natin ng isang higher education institution that provides full free tuition fee sa mga kabataan,” dagdag pa ni Belmonte.

Hindi aniya tulad ng Quezon City, maraming lungsod na sa Metro Manila, tulad ng Manila, Makati, at Marikina, ang nagbibigay ng libreng college education.

“Sa tingin ko, ‘di ito na-ging masyadong priority ng city government,” sabi ni Belmonte.

Ayon pa sa bise alkal­de, nakausap na niya ang Commission on Higher Education (CHED) at napag-alamang accreditation lang ang kailangan ng QCPU para makapagsimula na itong magbigay ng libreng matrikula sa lahat.

 “We have a big population, a big percentage of this is composed of young people with an average age of 24, so our challenge for us here is to harness the potentials of these youths so they could become successful and contribute to the development of our city,” paliwanag ni Belmonte.

“Marami nga tayong mamamayan pero ‘di naman sila edukado, wala silang kakayanan,’di rin sila makakapag-contribute sa city,” dagdag pa niya.

Malaking bagay aniya ang edukasyon sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Quezon City at upang labanan ang kahirapan.

Show comments