8 UST law studes sa Atio slay, sinipa na
MANILA, Philippines — Pinatalsik na ng pamu-nuan ng University of Santo Tomas (UST) ang walong law students nito na sangkot sa hazing at pagkamatay ng estudyanteng si Horacio “Atio” Castillo III kaugnay sa pagsapi nito sa Aegis Juris Fraternity ng nakalipas na taon.
Inilathala kahapon ang anunsiyong ito sa The Varsitarian, ang official student publication ng UST.
Kinumpirma ng UST na ang inatasang committee na mag-imbestiga sa pag-kamatay ni Atio ang nagpalabas ng resolusyon na nagrekomendang “guilty” ang walong ‘di pa pinangalanang mga estudyante sa paglabag sa Code of Conduct at Discipline na nagpapataw ng “expulsion”.
Ang nasabing komite na binuo ng UST Rector noong Setyembre 2017 ay binubuo ng anim na administrators at kinatawan ng Central Student Council.
Nagsagawa ng mga pagdinig ang komite na sinaksihan ng mga kinatawan umano ng Legal Education Board (LEB) at inisyal pa lamang ang resolution para sa walo habang patuloy pa ang imbestigasyon sa ibang isinasangkot sa pagkamatay ni Atio bunsod ng isinagawang hazing ng Aegis Juris fratmen.
Naging batayan din ng komite ang pakikipag-ugnayan nila sa Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagtukoy sa mga estudyante ng UST na sangkot.
Magugunita na sa pune-rarya na muling nakita ng mga magulang ang 22-an-yos na si Atio simula nang siya ay umalis ng kanilang bahay na nagpaalam para sa fraternity welcome rites.
- Latest