Integrated ID cards sa public school students ng QC, ipatutupad
MANILA, Philippines — Ipatutupad na ang pagkakaroon ng electronic identification cards sa lahat ng public elementary at high school students sa Quezon City.
Ito ayon sa naaprubahang resolution 7179-2017 ng QC Council upang ma-monitor ang kinaroroonan ng mga kabataang mag- aaral sa pamamagitan ng innovative Message Cast messaging system.
Nakasaad sa resolusyon na iniakda ni QC Councilor Allan Butch Francisco na ang Message Cast ay isang web-based messaging service na pinahihintulutan ang mga subscribers na magpadala ng mensahe at mai-broadcast ang SMS sa isa o mas madaming recipients sa lahat ng networks.
“ The system envisioned to address the security and safety concern of students studying in public elementary and high schools. There is a growing concern for any education institute and parents to implement a secured, efficient and accurate tracking mechanism for their students.The system send SMS to parents and to the registered guardian instantly the moment their children swipe their identification cards into a special machine located at the school gate ” , ayon kay Francisco.
Kapag -uwian na sa klase ang mga mag aaral, ipaaalam sa mga magulang kung ang anak ay nakapag swiped ng kanilang integrated ID’s para makaalis ng school premises
Ang system ay magpapadala din ng SMS sa mga magulang oras na nakansela ang klase sa paaralan o may mahalagang school announcements,
“Aside from the safety concern of parents, the program may also help to cut the number of school drop outs due to absences, cutting classes and tardiness because parents will be provided a way to monitor the whereabouts of their children”dagdag ni Francisco.
- Latest