Pasahero sa MRT-3, nabawasan
Dahil sa araw-araw na aberya
MANILA, Philippines — Nabawasan ng mula 170,000 hanggang 200,000 ang sumasakay na pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bunsod na rin ng araw-araw na aberya sa biyahe.
Base sa datos ng MRT 3 management, lumilitaw na 297,000 na pasahero na lamang ang sumasakay ngayon sa mga tren ng MRT-3 mula nitong Enero 24 hanggang Pebrero 1.
Mula sa dating 463,000 hanggang 500,000 na daily average na pasahero ng MRT-3, ay bumagsak ito sa 297,000 o 35 percent kumpara noong nakalipas na taon.
Mula sa dating 20-tren na bumibiyahe lalo na kapag ‘peak hours’ ay bumagsak na lamang ito sa 8-10 bagon at nababawasan pa dahil sa aberya.
Mula sa dating 5-minuto ang paghihintay sa mga istasyon ng MRT-3 bago makasakay ng bagon ay nadagdagan at umaabot na sa 10-hanggang 12 minuto.
Bunsod nito ay patuloy naman humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ay sinabing darating na ngayon buwan ang mga spare parts na kanilang binili sa ibang bansa.
Ayon sa DOTr, ngayong buwan ng Pebrero ay magkakaroon ng ‘improvement’ ang biyahe ng MRT-3 sa oras na maisalpak na ang mga bagong biling spare parts.
Bukod pa ang ginagawang tulong ng may 50 Japanese railway engineers at experts na nagsasagawa na ng system audit para madetermina ang gagawing ‘rehabilitation works’ sa MRT-3.
Maging ang audit sa 48 bagong bagon na binili sa Dalian motors ay kasalukuyan na ring ginagawa ng mga dalubhasa sa riles at pagpapatakbo ng tren.
- Latest