^

Metro

2 Chinese timbog sa pagkidnap sa 2 kababayan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese timbog  sa pagkidnap sa 2 kababayan

Iprinisinta ng NBI ang dalawang Chinese na dinakip matapos kidnapin at ikulong ang dalawa nilang kababayan­  dahil lamang umano sa hindi pagbabayad ng utang. Nasa kanan ang dalawang biktima na ikinulong at ipinosas ng mga suspect matapos madatnan ng NBI sa pinagdalhan sa kanilang bahay. Mga kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese nationals at apat nilang mga bodyguards dahil sa pagta­ngay, pagposas at pagdukot sa kanilang kapwa Chinese sa loob ng isang bahay sa Pasay City.

Nahaharap din sa kasong illegal detention ang mga suspek na sina Su Jianshui, alias Ah Sin at Chenwin Bin.

Ayon kay NBI Director Dante A. Gieran, noong gabi ng Enero 18 nang ipinaalam sa tanggapan ng NBI-Anti Or­ganized and Transnational Crime Division (AOTCD) na dalawang Chinese ang ipinosas sa loob ng Scape Building sa Diosdado Macapagal Ave­nue, sa Pasay City.

Bunsod nito, nagsagawa ng operation ang NBI-AOTCD kung saan nasagip sina Ai Xiao Geng at Xiao Qzao Ling  habang naaresto naman ang apat na mga nagbabantay sa kanila.

Ayon sa mga nasagip na mga biktima, inakusahan sila ni Su Jianshui na nagwala ng halagang RMB 700,000 o may katumbas na P5.5 mil­yon, gayunman iti­nanggi ito ng mga biktima.

Sa isinagawang follow up operation, naaresto ang mga suspek sa loob ng Shell residences sa Pasay City na positibo namang kinilala ng mga biktima na nagposas at tumangay sa kanila.

Nauna dito, ang pagkaka­aresto sa dalawang Chinese  national ay nabuking matapos na makakuha ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa CYX Manpower Services na may tanggapan sa Diplo­mat Condominium, Russel Ave., Roxas Blvd., Pasay City na umano’y nangangailangan­ ang dalawang suspek ng body­guards.

Ayon sa mga kinuhang mga bodyguards, ipinakilala sila sa dalawang Chinese nationals na mga amo at inutusan na babantayan nila ang natu­rang­­ kuwarto kung saan hindi dapat makatakas ang dala­wang nakakulong sa loob dahil malaki ang pagkakautang sa kanila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with