^

Metro

Mahigit 2,000 informal settlers sa QC, tatanggap ng tulong pinansiyal

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May kabuuang 2,706 na informal settlers ang pagka­kalooban ng Quezon City government ng tulong pinansiyal na tig-P5,000 para ma­ka­tulong sa gastusin ng mga ito na pawang naapektuhan ng ginagawang housing pro­ject sa Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson sa lunsod.

Ito ay makaraang apru­bahan ng QC Council ang City Resolution 7300-2017 na iniakda ni Councilor Donato C. Matias na layong maglaan ang lokal na pamahalaan ng P13.5 milyon para ipamahagi sa naturang mga benepisyaryo nito.

Ang ilan sa mga apektadong settlers ay ililipat naman sa National Housing Authority resettlement sites.

Bagamat ang proposed project site ay nasa low-lying and flood-prone, idinesenyo na itayo ang mga bahay sa ibabaw ng isang retarding pond. Ito ay makakatulong para maibsan ang pagbaha sa lugar partikular sa may Araneta Avenue sa QC.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with