^

Metro

P1.2-B party drugs, nasamsam ng Customs

Pilipino Star Ngayon
P1.2-B party drugs, nasamsam ng Customs

Iprinisinta ng Bureau of Customs ang nasamsam na mahigit dalawang milyong piraso ng party drugs na may street value na aabot sa P1.2 bilyon. Ang mga kontrabando ay buhat sa Pakistan at tinangkang ipasok sa pamamagitan ng parcels na idinaan sa Philippine Postal Corporation. Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang ibat-ibang uri ng party drugs at iba pang kontrabandong ta­­bleta na may street value na aabot sa P1.2 bilyon na ipinasok bilang parcels sa Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Ayon kay BoC Commis­sioner Isidro Lapeña ang  drug syndicate buhat Pa­kistan ang pinaniniwalaang sangkot sa tangkang pagpupuslit sa may 2 milyong piraso ng illegal drugs na iniulat na dumating sa bansa sa pagitan ng Enero 4 hanggang Enero 10, 2018 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang parcel ay na-intercept sa pamamagitan ng joint efforts ng BOC postal examiners at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF). Ang mga kontrabando ay itinurn over na sa PDEA kahapon.

Kabilang sa mga nasam­sam ay Valium, Pinnix (Alprozalam), Madalin, Stilnox (Zolpidem). Mogadon at ilang kilo pa ng unlabeled tablets.

Ayon pa kay Lapeña, na dating naging chief ng PDEA, na sa kanyang pagkakaalam ito ang unang pagkakataon na naipasok ang malaking volume ng illegal drugs sa bansa  buhat Pakistan.

Sinabi pa ni Lapeña na ang mga illegal drugs ay pinasok sa bansa sa pa­ma­ma­gitan ng PHLPost sa pa­mamagitan ng surface mail. Ang mga tableta umano ay may ibat-ibang recipients na pinaniniwalaang gawa o modus ng drug syndicate na sangkot sa illegal drug tablets.

Umabot sa 2,058.553 pi­­raso ng assorted illegal drugs na nagkakahalaga ng may P128.9 milyon pero kapag kumalat na sa merkado aabot ito sa P1.2 bilyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with