Snipers idedeploy sa traslacion
MANILA, Philippines — Sa kabila na walang namomonitor ang Philippine National Police-National Capital Region Office (PNP-NCRPO) na anumang banta ng terorismo sa isasagawang traslacion ng Itim na Nazareno, hindi naman nila inaalis at kanilang mahigpit na babantayan ang posibleng pag-atake ng ‘lone wolf’ attack.
Kaugnay nito, nakatakdang magdeploy ng mga drones at snipers ang NCRPO habang 100% ring nakahanda na ang lahat ng ipatutupad na seguridad upang supilin ang anumang banta ng terorismo o kaguluhan sa gaganaping traslacion sa darating na Enero 9.
Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde, kung saan ang mga sni-pers na bahagi ng kanilang deployment ay pupuwesto sa matataas na bahagi ng gusali na daraanan ng prusisyon ng Nazareno.
“Our intelligence operatives are continously monitoring threat groups even outside sa Metro Manila na pwedeng gumalaw sa loob while this traslacion is ongoing.
Hindi natin dini-discount ang possibility ng lone wolf attack kaya sabi natin hindi tayo pwedeng mag-relax,” anang NCRPO chief. Samantalang magpapakalat rin ng mga intelligence operatives mula sa PNP, AFP, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na mga nakasibilyan habang ang Explosives Ordnance Team at K 9 team kasama ang mga K -9 bomb sniffing dogs ay magsasagawa na ng pag-susuri sa lugar bago pa man ang prusisyon.
Inihayag ni Albayalde, mas maraming mga pulis ang idedeploy na aabot sa 5,613 upang bantayan ang halos 6 kilometrong daraanan ng prusisyon mula Quirino Grandstand patungo sa Quiapo Church. Samantalang, isang batalyon o 500 na sundalo mula sa Joint Task Force-Natio-nal Capital Region Command ng AFP ang tutulong sa pulisya sa pangangalaga sa seguridad.
Nabatid na nagkaroon na ng ‘skeletal deployment’ sa lugar at ang kabuuang deployment ay ibubuhos simula sa gabi ng Enero 8, 9 sa mismong piyesta ng Itim na Nazareno hanggang Enero 10 kung saan inaa-sahang aabutin ng mada-ling araw ang Traslacion. Ang NCRPO ay nasa full alert status.
Samantalang ipatutupad rin ang no fly zone at liquor ban habang ang gun ban ay sa darating na Enero 8-10 base sa rekomendasyon ng NCRPO kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa sa buong lungsod ng Maynila.