^

Metro

PNP ready vs terror attack

Pilipino Star Ngayon
PNP ready vs terror attack

Inihahanda na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Deveopment Authority (MMDA ang mga plastic barriers bilang paghahanda sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila. (Kuha ni Edd Gumban)

Snipers idedeploy sa traslacion

MANILA, Philippines — Sa kabila na walang na­momonitor ang Philippine National Police-National Capital Region Office (PNP-NCRPO) na anumang banta ng terorismo sa isasagawang traslacion ng Itim na Nazareno, hindi naman nila inaalis at kanilang mahigpit na babantayan ang posibleng pag-atake ng ‘lone wolf’ attack.

Kaugnay nito, nakatakdang magdeploy ng mga drones at snipers ang  NCRPO habang 100% ring nakahanda na ang lahat ng ipatutupad na seguridad  upang supilin ang anumang banta ng terorismo o kaguluhan sa gaganaping traslacion  sa darating na Enero 9.

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde, kung saan ang mga sni-pers na bahagi ng kanilang deployment ay pupuwesto sa matataas na bahagi ng gusali na daraanan ng prusisyon ng Nazareno.

“Our intelligence ope­ratives are continously mo­nitoring threat groups even outside sa Metro Manila na pwedeng guma­law sa loob while this traslacion is ongoing.

Hindi natin dini-discount ang pos­sibility ng lone wolf  attack kaya sabi natin hindi tayo pwedeng mag-relax,” anang NCRPO chief. Samantalang magpapakalat rin ng mga intelligence ope­ratives mula sa PNP, AFP, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na mga nakasibil­yan habang ang Explosives Ordnance Team at K 9 team kasama ang mga K -9 bomb sniffing dogs ay magsasagawa na ng pag-susuri sa lugar bago pa man ang prusisyon.

Inihayag ni Albayalde, mas maraming mga pulis ang idedeploy na aabot sa 5,613 upang bantayan ang halos 6 kilometrong daraanan ng prusisyon mula Quirino Grandstand patungo sa Quiapo Church. Samantalang, isang batal­yon o 500 na sundalo mula sa Joint Task Force-Natio-nal Capital Region Command ng AFP ang tutulong sa pulisya sa pangangalaga sa seguridad.

Nabatid na nagkaroon na ng ‘skeletal deployment’ sa lugar at ang kabuuang deployment ay ibubuhos simula sa gabi ng Enero 8, 9 sa mismong piyesta ng Itim na Nazareno hanggang Ene­ro 10 kung saan inaa-sahang aabutin ng mada-ling araw ang Traslacion. Ang NCRPO ay nasa full alert status.

Samantalang ipatutupad rin ang no fly zone at liquor ban habang ang gun ban ay sa darating na Enero 8-10 base sa rekomendasyon ng NCRPO kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa sa buong lungsod ng Maynila. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with