^

Metro

48 oras na gun at liquor ban, ipapatupad sa Pista ng Itim na Nazareno

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
48 oras na gun at liquor ban, ipapatupad sa Pista ng Itim na Nazareno

This will cover the temporary ban on the sale, distribution, and consumption of alcoholic beverages within the 500 meter radius of the vicinity of the route, Quirino Grandstand, and Quiapo Church,” paliwanag ni Chief Supt. Joel Coronel. File

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipatutupad ng Manila Police District (MPD) ang 48-oras na gun ban na magsisimula sa Enero 8 hanggang 10 bilang dagdag na seguridad sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Ito ang sinabi ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel sa isinagawang press briefing sa Minor Basilica sa Quiapo kahapon ng umaga.

Simula aniya, alas- 12:00 ng madaling araw ng Enero 8 ay sus­pendido na ang permit to carry ng baril sa buong Maynila, maliban lamang sa mga unipormadong personnel tulad ng ka­­­pulisan at sa mga nagbibigay ng seguridad sa Pangulo at mga gabinete.

Pinayuhan ni Coro­nel ang iba pang nagbibitbit ng baril na iwasan na lang ang lungsod sa loob ng itinakdang mga oras.

Kabilang din sa hakbangin ng seguiridad ang pagdedeklara ng Civil Aviation Autho-rity of the Philippines (CAAP) ng “no fly zone for drones and aircrafts” sa mga ruta ng Traslacion, sa tapat ng Quirino Grandstand at sa Minor Basilica o simbahan ng Quiapo.

Inirekomenda rin ni Coronel kay Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpapatupad ng liquor ban simula alas- 6:00 ng gabi ng Enero 6 hanggang alas 6:00 ng umaga sa Enero 10 sa bisinidad ng Traslacion.

“This will cover the temporary ban on the sale, distribution, and consumption of alcoholic beverages within the 500 meter radius of the vicinity of the route, Quirino Grandstand, and Quiapo Church,” paliwanag ni Coronel.

Related video:

NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad