Mister timbog sa ‘advance-fee’ scam
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mister na umano’y nanloko ng siyam na katao sa Estados Unidos, kabilang ang isang Filipino ng halagang nasa $202,500.00 sa isang “advance-fee scheme” para ipanustos umano sa ipinamanang $30 bilyon sa suspek.
Sa isang press confe-rence iprinisinta ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang suspek na si Tomas Necasio Nazareno na naaresto sa Maynila noong Miyerkules ng mga ahente ng NBI Anti-Fraud Division.
Ayon sa reklamo ni Alejander Bugarin, nasa Long Beach, California nang ipaalam sa kanya ng kanyang kaibigan na si Pastor Gavino Ronquillo, ang $30-bilyon account na minimintina ni Nazareno sa Hong Kong and Shanghai Banking Corporation sa Thailand.
Sinabi pa ni Ronquillo kay Bugarin na patay na ang orihinal na signatory sa account at ang nakadepositong pera ay inilipat sa pangalan ni Nazareno.
Gayunman dahil wala umanong kakayahan si Nazareno, na bumiyahe sa Thailand para ayusin ang dokumento para mai-withdraw ang pera.
Inaalok umano ni Ronquillo si Bugarin kung interesado siya na gastusan ang P2 milyon travel expenses ni Nazareno kapalit nito ang pagtubo sa kanyang pera kada buwan ng1 % ng makukuhang pera ni Nazareno na aabot sa $300 milyon.
Nakumbinsi umano si Bugarin na lehitimo ang alok nang ipakita sa kanya ang dokumento ng account.
Sanhi nito, nagpadala si Bugarin at kapwa investor ng $7,000 na kalaunan ay humihingi pa ng karagdagan para sa pag po-proseso ng iba pang dokumento .
Gayunman, pagkatapos ng remittances, hindi naman nakatanggap ng memorandum mula sa depository bank ni Nazareno at ang Standby letter of Credit na ipinangako ni Nazareno.
Dito na nagduda si Bugarin kaya sinabi niya kay Na-zareno na may isa pang investor na gustong magbigay ng pera at dito na siya humingi ng tulong sa NBI.
Napagkasunduan ng da-lawa na sa Maynila na magkita at dito na ikinasa ng NBI ang entrapment operation.
Nalaman na mula noong 2016 hanggang Mayo, 2017 nagpadala ng pera kay Nazareno ang grupo ni Bugarin.
Hindi naman kinasuhan ni Bugarin si Ronquillo pero si Nazareno ay sinampahan ng kasong estafa sa Manila Prosecutors Office.
- Latest