MMFF parade hindi na sa Maynila, gagawin na sa Muntinlupa

MANILA, Philippines — Upang hindi makadagdag sa trapik sa mga pangunahing­ lansangan ng Metro Manila, sa area ng Muntinlupa isasa­gawa ang parada para sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pansamantalang isasara ang National Road sa Susana Heights hanggang Alabang, Muntinlupa City upang bigyang daan ang isasagawang parade ng mga bituin na kalahok sa MMFF sa Disyembre 23.

Sa abiso ng Muntinlupa Traffic Management Bureau, dakong alas-12:00 tanghali isa­sara ang nasabing kalsada para sa MMFF Parade of Stars na mag-uumpisa sa Muntinlupa Sports Center patungong Filinvest Event Grounds via Centennial Avenue at national Road bandang alas-2:00 ng hapon sa nasabing petsa.

Kabilang sa mga alterna­tibong ruta ay ang South Luzon Expressway (SLEX), MCX-Daang Hari, Cares Access Road at Baybayin (Brgy. Coastal Road).

Ang lahat ng mga sasak­yang manggagaling sa Tuna­san­, San Pedro/Biñan area pa­tungong hilagang bahagi ng National Road ay dadaan sa Susana Heights Access Road, papasok sa SLEX at exit naman sa Alabang/Sucat o Filinvest toll plaza.

Habang ang mga motoris­tang galing ng Poblacion (Kati­han Street Camella 4, NBP) papuntang hilaga o timog, da­­daan sa Daang Hari Road via Katarungan Village mula Muntinlupa National High School at papasok sa Kataru­ngan Village gate, kaliwa sa J. Abad Santos Street, kanan sa C. Arellano St., bago dumiretso sa Da­ang Hari Road.

Samantala ang mga sasak­yan buhat sa Soldiers Hills Mutual Homes, Camella Homes, Pleasant Village at Rice Homes ay babagtas sa Access Road at sundin ang directional signs sa nasabing ruta.

Napag-alaman na ito na ang ika-43 taong selebrasyon ng MMFF.

Show comments