^

Metro

Shootout: Lider ng robbery group, utas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Shootout: Lider ng robbery group, utas

Dead-on-the-spot ang suspect na si Mario Balagtas, ng Pechayan St., Brgy. 178, Camarin ng naturang siyudad sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan. STAR photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang leader ng robbery holdup group matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang ‘Oplan galugad’ kamakalawa ng gabi sa  Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang suspect na si Mario Balagtas, ng Pechayan St., Brgy. 178, Camarin ng naturang siyudad sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa hepe ng Caloocan City Police na si Senior. Supt. Jemar Modequillo, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa nabanggit na lugar matapos na magkasa  ng operasyon ang mga kagawad ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 6. Dito namataan ng pulis ang tatlong  kahina-hinalang kalalakihan kabilang si Balagtas.

Sisitahin sana  ng mga pulis ang tatlo, subalit isa-isang nagpulasan ang mga ito para tumakas habang si Balagtas ay tumakbong papasok sa inuupahan nitong bahay kasabay ng pagpapaputok ng baril sa mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at sa kasagsagan ng engkuwentro ay dito na bumulagta ang suspect na si Balagtas.

Sa berepikasyon ng pulisya, napag-alaman na ang suspect ay leader umano ng robbery hold-up group na madalas na nambibiktima ng mga estudyante at commuters sa North Caloocan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with