Mahigpit na pagpapatupad sa motorcycle lane, simula ngayon

Matapos ang pagpapatupad sa yellow lane sa kahabaan ng EDSA, ang blue lane naman o motorcycle lane ang babantayan nang husto ng mga tauhan ng MMDA. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw na ito ng Miyerkules ay mahigpit na ring ipatutupad ang motorcycle lane sa EDSA.

Kahapon pa lang ay nakaposte na ang mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa handang panghuhuli sa mga rider na lalabag sa natu­rang traffic scheme.

“We are maximizing the use of the lanes along Edsa, which only have lanes,” sabi ito ni  Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning.

Nabatid  na ang motorcycle­ o blue  lane  ay nasa ikaapat na lane mula kanan ng  sidewalk ng EDSA.

Subalit ayon sa MMDA ang motorcycle lane ay hindi ex­clu­sive para sa kanila, dahil maaari itong gamitin ng mga pribadong motorista kapag wa­lang dadaang motorsiklo.

Hindi katulad ng yellow lane na exclusive lamang para sa mga pampublikong bus.

Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng ha­lagang P500.

Layunin ng naturang traffic scheme ay para na rin sa ka­ligtasan ng mga rider laban sa mga aksidente sa kalsada.   

Show comments