^

Metro

DOH muling namahagi ng contraceptives

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puspusan na ang  ginagawang pamamahagi ng Department of Health (DOH) ng contraceptives bilang bahagi ng pagpapatupad ng RH o Reproductive Health Law.

Ito ay matapos sertipikahan ng FDA o Food and Drug Administration na hindi nakakapagpalaglag ng sanggol ang 51 contraceptives na gagamitin ng DOH sa pagpapatupad ng RH Law.

Aabot sa mahigit 260,000 contraceptives ang nakatakdang mapaso na sa susunod na taon.

Ilang taon ding naimbak ang mga contraceptives lalo na ang mga implants matapos maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema batay sa petisyon na nagsasabing nakakapagpalaglag ito ng sanggol sa sinapupunan.

Gayunman, nakasaad din sa TRO ng Supreme Court na otomatiko nang matatanggal ang tro sa sandaling maglabas ng sertipikasyon ang FDA.

Dahil dito, sinabi ni Population Commission o POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez na kailangang makagamit sila ng 1,000 implants kada araw upang habulin ang pagpaso nito sa September 2018.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with