VM Joy B. tumanggap ng parangal sa mahusay na pamamahala sa QC

MANILA, Philippines — Tumanggap ng parangal mula sa Gerry Roxas Foundation si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga  natatanging lingkod bayan  sa buong bansa na may mahusay na performance sa kanyang nasasakupan.

“Thank you so much to the Gerry Roxas Foundation for honoring me with the Gerry Roxas Leadership Excellence Award today as part of your 60th year celebration”, pahayag ni QC Vice Mayor Belmonte.

“I am one of almost 45,000 Gerry Roxas Lea-dership Awardees, an award that has been given to graduating high school students who exhibit leadership qualities for the past 60 years. I got my Gerry Roxas Leadership Award at age 17 when I graduated from Poveda. Today as I receive this Excellence Award, I thank the Lord for having helped me sustain my passion to serve others and my idealism to do what is right and just,” dagdag ni Belmonte.

Una nang tumanggap ng iba’t ibang parangal si Vice Mayor Belmonte nang gawing modelo ang QC sa pagpapatupad ng mga programa laban sa illegal drugs. Si Belmonte ang chairman ng QC Anti Drugs and Abuse Advisory Council (QCDAAC).

Bilang isang public servant, pinagkalooban ni Belmonte ng instant pangkabuhayan ang may 200  single parent sa QC para sa ika-5 batch ng mga benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy’.

Sa ngayon ay may mahigit 80 single parents na ang nasasakop ng programa na tumanggap ng tindahan show case. Ilang scholars na din ang nakinabang sa programa dahilan sa pagtulong ng kita sa tindahan na panggastos ng mga mag-aaral na anak ng single parents sa pag-aaral ng mga anak.

Bukod dito, may mga punla din ang naipagkaloob ng tanggapan ni Belmonte sa mga taga-QC na nais sumubok sa organic farming upang mapagkunan ng gulay na gagamitin sa araw araw na pagluluto para sa kanilang mga pamilya.

Mayroon ding mga health at wellness program at legal assistance na naipagkakaloob sa mga ito para sa kapakanan hindi lamang ng mga single parents kundi ng mga LGBTI community at mga taga lungsod.   

Show comments