^

Metro

Sunud-sunod na clearing ops sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Wala raw kinalaman sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng lokal   na pamahalaan ng Maynila ang isang malawakang clea-ring operation sa Roxas Bou-levard upang itaboy ang mga street dwellers at mga illegal vendors na ayon sa isang opisyal ng City Hall ay walang kinalaman sa paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit ngayong Nobyembre.

Ayon kay Mayor Joseph Estrada, pinangunahan ang operasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA), at suportado ng Manila Police District (MPD) at iba pang unit sa City Hall.

Sa mga illegal vendors naman, nilinaw ni Estrada na hindi siya tutol sa pag­ha­­hanapbuhay ng mga ito ngunit ang mga pangunahing lansangan tulad ng Roxas Boulevard ay dapat aniyang palaging maayos at walang mga balakid upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.

Ayon kay MDSW-City Res­cue team leader Lindsay Javier, 48 street dwellers at 10 vendor ang kanilang na-rescue sa isinagawang operasyon kamakailan.

Kinumpiska rin nila ang dalawang ‘kuliglig’ at anim na pedicab na ginagawa na ring tirahan ng mga vendor;  tatlong bisikleta rin ang nakuha sa isang grupo ng mga  “solvent boys”, dagdag pa ni Javier.

Nilinaw din ng city hall na wala itong kinalaman sa gaganaping ASEAN dahil araw-araw naman ang clearing sa lungsod. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with