Hindi pagsuspinde sa coding sa ASEAN Summit, pinag-aaralan

MANILA, Philippines — Posibleng hindi suspendihin ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding ngayong  darating na  Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Ayon ito kay Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for operations. Kahit na aniya idineklarang special non-wor-king days ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR) at ang lalawigan ng Bulacan at Pampanga ang Nobyembre 13 hanggang 15 , kailang pa rin umano nilang i-assess kung hindi susupindehin ang coding.

Pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista na sa dara-ting na Miyerkoles (Nobyembre 8)  na iwasan ang ilang lugar sa Southern Metro Manila  dahil  muli silang magpapatupad ng “6th convoy dry run” para sa ASEAN Summit.

Sinabi ni Emmanuel Miro, head operations of the MMDA task force ASEAN, sa nabanggit na petsa, isasagawa ang convoy dry mula  ala-1:00 ng madaling araw hanggang  alas-4:00 ng umaga, na apektado ang  southbound lanes ng Clark Pampanga, SCTEX, NLEX, EDSA, Roxas Boulevard, Ayala, Makati Avenue, Pasay, Lawton at  McKinley  sa  Taguig City.

Sa muling isasagawang convoy dry run sabi ni Miro, 10 behikulo lamang ang lalahok hindi aniya tulad ng naunang dry-run ay nilahukan ito ng 17 behikulo  na naging sanhi ng matinding trapik lalu na sa EDSA.

Show comments