Passenger arrivals sa NAIA, dagsa

MANILA, Philippines — Isa-isa nang nagdarati­-ngan ang mga domestic at international passengers sa Ninoy Aquino International   Airport (NAIA) Terminals ma-tapos ang Undas.

Ikinagalak ni Mani­la International Airport Authority (MIAA) general ma­nager Ed Monreal na walang nangya-ring aberya sa apat na terminals sa NAIA dahil sa pina-tindi at pinahigpit na security measures sa lahat ng taong papasok sa mga terminal ng paliparan.

Dahil sa maagang koordinasyon sa mga tanggapan nasa NAIA nagkaroon ng ma­gandang resulta lalo’t sa ginawang security measures dito.

Naiwasan din ang maha­bang pila sa mga immigration counters maging sa mga airline counters dahil pinaki­usapan ni Monreal si Marc Red Marinas, BI port operation chief na dagdagan ang kanilang mga immigration officers para maging maayos ang pagbibigay ng departure  at arrival clerance sa mga tra-vellers.

Show comments