Pinto ng MRT-3 hindi bumukas, 30 pasahero na-trap, nadala sa depot

MANILA, Philippines — Kabuuang 30 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nakulong sa loob ng tren makaraang hindi bumukas ang pinto nito kaya nakarating sila sa garahe o depot na nasa dulong bahagi ng North Avenue station, kahapon ng umaga.

Ayon sa mga pasahero, nasa North Avenue Station na sila bandang alas-8:00 ng umaga nang ayaw bumukas ang pinto ng tren kaya nakarating sila sa dulo sa gilid ng Trinoma mall.

Sinabi ng mga pasahero, walang ibinigay na abiso sa kanila ang ‘piloto’ ng nagka-aberyang bagon kung ano ang kanilang gagawin nang magloko ang pinto kaya umabot sila ng 30 minuto bago nakalabas ng  tren.

Sa panig naman ng management ng MRT-3, may mga pasaherong hindi bumaba kaya nadala ang mga ito sa garahe kung saan aayusin ang tren.

Mula sa dulo ng North Avenue station ay pinuwersa ng mga maintenance crew ng MRT-3 na buksan ang  nagmal-function na pinto kaya nakababa ang mga pasahero at naglakad sa gilid ng riles saka lumipat sa isa pang tren at inihatid sa Nortd Avenue, station.

Bago magluko ang pinto ng isang tren ay una ng nagkaroon ng aberya ang isa pang bagon dakong alas-5:27 ng umaga sa Ayala Station northbound.

Nitong Nobyembre 1, araw ng Undas at tatlong beses tumirik ang biyahe ng MRT-3.

Habang sa  buwan ng Oktubre ay pitong araw lamang na hindi nakapagtala ng aberya sa biyahe ng MRT-3.

Show comments