Baron Geisler, kalaboso uli!
Nagwala sa resto bar
MANILA, Philippines — Kalaboso uli ang aktor na si Baron Geisler matapos umanong magwala, manggulo at magmura sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Kamu-ning police station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-9:00 ng gabi ng pumasok sa TGIF restobar si Geisler, uminom ng alak at nang mala-sing ay pinabantayan ito sa guwardiya na hindi naman nagustuhan ng aktor.
Itinulak umano ni Geisler ang guwardiya at pinagmumura kaya nagtayuan ang lahat ng mga kostumer, ang iba ay nagtakbuhan palabas, kaya tumawag ng pulis ang management saka ipinaa-resto ang aktor.
Nabatid na dati nang na-ban sa nasabing restobar si Geisler pero nagawa nitong makapasok dahil dumadaan umano ito sa isang gate.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nakakulong pa sa detention facility ng QCPD Station 10 ang aktor at nakatakdang sampahan ng kasong alarm and scandal at unjust vexation sa Quezon City prosecutor’s office.
Itinanggi naman ni Geisler na siya ay nagwala, nanggulo at nagmura, pero aminadong nakainom. Aniya, para mapatunayang totoo ang kanyang sinasabi ay hinihiling nito ang kopya ng CCTV footage sa restobar.
Ang aktor ay maraming beses na hinuli ng mga awtoridad dahil sa kanyang pag-uugali at madalas masang-kot sa gulo.
Ang huling kinasangkutang alingasngas ni Geisler ay nang ihian nito ang kanyang kapwa actor na si Ping Medina na anak ni beteranong actor na si Pen Medina.
- Latest