MRT-3, tatlong beses tumirik!

Tatlong beses tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 kaha­pon ng umaga na ikinairita ng maraming pasahero na na-late sa kani-kanilang trabaho at iba pang destinasyon. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Tatlong beses tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaha­pon ng umaga na ikinairita ng maraming pasahero na na-late sa kani-kanilang trabaho at iba pang destinasyon.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na dakong alas-6:17 ng umaga nang unang makaranas ng aberya ang isa nilang tren dahil sa technical problem.

Umabot ng category 3 ang status ng biyahe ng tren, na nangangahulugan na inalis ang tren nang walang kapalit.

Pinababa rin ang lahat ng mga pasahero ng tren sa Quezon Avenue Station southbound at pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Pagsapit naman ng alas-6:43 ng umaga ay muling nagka-aberya ang isang tren kaya itinaas sa category 4 dahil sa panibagong technical problem at kinailangang magpatupad ng provisional service at nilimitahan ang biyahe ng mga tren mula Shaw Boulevard station hanggang Taft Station lamang at pabalik.

Muling nalimitahan ang operasyon ng tren mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at pabalik dakong alas-8:51 ng umaga dahil sa putol na riles.

Makalipas ang mahigit sa isang oras ay muli namang naibalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 matapos na makumpuni ang sirang riles.

Show comments