^

Metro

DENR nagmatigas sa Payatas dumpsite

Pilipino Star Ngayon
DENR nagmatigas sa Payatas dumpsite

Iginigiit ng mga opisyal ng DENR na pinagdesisyunan nilang ipasara ang tambakan o landfill dahil sa maraming paglabag sa batas na pangkalikasan at banta sa pagguho ng mga basura. BOY SANTOS/File

Di na puwedeng buksan

MANILA, Philippines — Muling tinanggihan ng Department of Environment and Natural Resources ang panawagang buksang muli ang Payatas dumpsite sa Quezon City sa kabila ng hinaing ng mga residente at magbabasura sa naturang tambakan.

Iginigiit ng mga opisyal ng DENR na pinagdesisyunan nilang ipasara ang tambakan o landfill dahil sa maraming paglabag sa batas na pangkalikasan at banta sa pagguho ng mga basura.

Noong nakaraang linggo, nagrali ang mga residente, magbabasura at trabahador sa Payatas para manawagan sa DENR na ikonsidera ang pagbubukas ng landfill dahil 2,000 pamilya ang umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa tambakan ng basura.

Kasunod ng pakikipagdayalogo sa Pa-­yatas Alliance Recycling Exchange Coo­pe­rative, pinanatili ng mga opisyal ng DENR ang desisyon at sinabi nilang walang teknikal na basihan para pahintulutan ang pagbubukas muli ng sanitary landfill sa lunsod ng Quezon.

Binanggit ni DENR Undersecretary   Noel Felongo na umabot na sa overcapa-city ang Payatas landfill at ang mga liki­dong nagmumula rito ay umaagos na sa Marikina River na isa nang paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act. Wala rin anyang waste segregation sa tambakan.

Sinasabi sa isang report ng Environment Management Bureau na merong paglabag ang landfill operator na IPM Environmental Services Inc.

Binanggit din sa hiwalay na report ng Mines and Geosciences Bureau na hindi na malayong magkaroon ng trash slide batay sa geomorphological and environmental assessment.

Gayunman, ayon kay Eligio Ildefonso na chief engineer ng Solid Waste Management Division ng Environmental Management Bureau at executive Director ng National Solid Waste Management Commission, kailangan ding tulungan ang apektadong mga residente.

“Tinitignan ng DENR ang teknikal na aspeto kabilang ang kapaligiran at kapakanan ng mga mamamayan habang ang pamahalaang lokal ng Quezon City ang nanganga­siwa sa aspetong panglipunan tulad ng pagbibigay ng alternatibong kabuhayan sa mga naapek­tuhan ng pagsasara. Magtulu-ngan tayo para malutas ang problemang ito,” paliwanag niya sa isang pahayag.

Idinagdag ni Ildefonso na maaari ring makinabang ang mga miyembro ng PARE sa planong rehabilitasyon sa tambakan.

Nauna ring hiniling ng pamahalaang-lokal ng Quezon City sa DENR na buksan muli ang landfill at hayaan ang operasyon nito hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan para maiwasan ang krisis sa basura pero tinanggihan din ito.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with