^

Metro

Problemadong binata nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Problemadong binata nagbigti

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay na naka­bigti sa nylon cord na nakasabit sa PVC pipe ng kisame ng isa sa mga comfort room ng boarding house, alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules. File

MANILA, Philippines -  Isang 20-anyos na apli­kante bilang seaman ang na­diskubreng walang buhay habang nakabigti pa ito sa loob ng banyo ng isang boarding house, sa Quiapo, Maynila, ka­makalawa ng gabi,

Nasa early state of decomposition na ang bangkay ni Adrian Albarracin Y Relardo, tubong Sibunga, Cebu at nanunuluyan sa New Pagoda Boarding House na matatagpuan sa no. 844 Interior, Gonzalo Puyat St., Quiapo, May­nila.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay na naka­bigti sa nylon cord na nakasabit sa PVC pipe ng kisame ng isa sa mga comfort room ng boarding house, alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules.

Sinabi ng janitor ng boarding­ house na si Josefino Lacdao Jr., 28, natunton niya ang kina­lalagyan ng biktima dahil sa masansang na amoy nito kung kaya’t agad niya itong inireport sa pulisya.

Ayon sa isang boarder na si Nino Ramirez, kababayan at dating kaklase sa Cebu, tumawag umano minsan si Albarracin sa kanyang ina sa Cebu at umiiyak ito dahil sa hindi masabing problema bago nangyari ang insidente.

Anggulong depresyon naman dahil sa mabigat na problema ang tinitingnan ng pulisya, na posible umanong nagtulak kay Albarracin para magpatiwakal.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with