^

Metro

3 pang ‘tulak’ bulagta

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang tatlong lalaki na sinasabing ‘tulak’ ng droga makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa magkahiwalay na lugar sa Parañaque, Taguig at sa  Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ruel Loterte, 42, ng Brgy. Merville, Parañaque City; Joel Avila, 21, ng Santol Extension, Katuparan, Taguig City at isang nagngangalang Randy, alyas Putok sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na dakong alas-12:45 ng madaling araw ng ma­­ganap ang pamamaril kay Loterte sa pintuan ng kanyang bahay sa Sitio Malaya, Brgy. Merville, Parañaque City ng isang armadong lalaki ang kumatok sa kanilang pintuan at nang silipin sa butas ni Loterte subalit biglang binaril ng ilang beses na tumama sa ulo na sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Tatlong basyo ng hindi batid na kalibre ng baril ang narekober ng mga pulis sa pinangya­rihan ng insidente.

Kinumpirma naman ng anak ng biktima na si Rosselle, na umanoy kabilang ang kanyang ama sa drug watchlist ng barangay at ng pulisya.

Samantala, dakong alas-10:10 ng gabi naman pinagbabaril ng mga hindi kilalang salarin si Avila sa Guyabano St., Brgy. Katuparan, Taguig City.

Bukod sa kilalang ‘tulak’ at gumagamit ng droga, si Avila ay isa rin umanong magnanakaw sa kanilang lugar at kabilang sa drug watchlist ng Taguig City Police. Sa Quezon City, napatay naman sa isinagawang buy-bust si alyas Putok  sa Brgy. Pansol.

Nakatunog umano ang sus­pect na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at pina­­putuklan ang mga pulis na maagap namang gumanti ng putok dahilan ng kamatayan ni Putok.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with