MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ngayon ng Quezon City go-vernment ang pagpili ng dumpsite sa pagitan ng Rodriguez sa Rizal o sa Vitas, Tondo para sa mga basurang hinahakot ng lungsod.
Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, inatasan na niya ang Environmental Protection and Waste Management Department na makipag- ugnayan hinggil sa regulasyon at batayan sa pagtatapon ng basura galing sa lungsod.
Sinabi ni Bautista na inatasan niya ang EPWMD na pag- aralan kung alin sa dalawang dumpsite ang cost efficient lalo pa’t mas malaking budget ang kailangan sa sanda-ling malipat na ang disposal facility.
Sa ngayon, itinalaga ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Rodriguez Provincial Sanitary Landfill at Vitas Marine Loading Station bilang mga alternatibong dumpsites ng Quezon City.
Samantala, sinabi naman ni EPWMD head Frederika Rentoy maha-laga na muling mabuksan ang Payatas dumpsite upang maayos ang mga nakabinbing dokumento, bagong patakaran sa garbage disposal at collection.
Kabilang na aniya sa paghahanda ay ang budget deliberation.
Batay sa EPWMD record, gumagastos ng P780 million kada taon ang city gov’t sa hauling services sa Payatas.
Samantala, long overdue na umano at sobrang tagal na panahon na dapat naipasara ang Payatas dumpsite sa Quezon City.
Ito ang sinabi ni Joy Papa, pangulo ng environmentalist group na Ba-ngon Kalikasan Movement hinggil sa planong pagpapasara ng pamahalaan sa naturang tambakan sa December 2017.
Ayon sa kanya hindi dapat gamitin ng QC go-vernment na dahilan para di agad maipasara ang dumpsite na may ipinatatayong waste-to-energy incineration plant upang masunog ang may 2,700 tonelada ng basura ng lunsod kada araw.
“It’s time barangay-based ESWM should be fully implemented by all local government units, as mandated by R.A. 9003,we have proof this can be done. At the same time, the closed dumpsite should be rehabilitated.” Pahayag ni Papa.
Sa ilalim ng Section 37 of Republic Act 9003, o ang Ecological Solid
Waste Management Act of 2000, ang mga open dumpsites ay dapat naipasara noong 2004 at ang mga controlled dumpsites ay sarado na dapat noong 2006.