Dagdag-bawas sa presyo ng langis

Dahil sa paggalaw ng presyo sa international market kaya nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa. File

MANILA, Philippines - Dahil sa paggalaw ng presyo sa international market kaya nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.

Nabatid mula kay Julius Segovia ng Flying V, magtataas ng P0.45 kada litro sa gasoline habang tig P0.10 na tapyas sa presyo ng diesel at kerosene na epektibo ngayong araw.

Sumunod namang nagtaas ang Pilipinas Shell, Eastern Petroleum at Phoenix Petro­leum Corporation sa ka­halintulad na dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipinatupad ng Flying V.

Inaasahan din magpapatupad ang ilang pang kumpanya ng la-ngis kabilang ang  tina­guriang ‘big 3’ na kina­bibilangan ng Petron, Shell at Caltex.

Sinasabing ang ba­gong oil price hike at rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaig-digang pamilihan. Nitong Agosto 8,nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng P1.00 kada litro ng gasolina,P0.85 sa kerosene at P0.80 naman sa diesel.

Nabatid na ngayon buwan ng Agosto, pa-ngatlong beses na nagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Show comments