Parak sugatan sa drug operation
MANILA, Philippines - Isang pulis ng Caloocan City Police ang sugatan sa engkuwentro nang mabaril ng tinutugis na drug personality sa North Caloocan, kahapon ng hapon.
Nagtamo ng tama ng bala sa hita si PO3 Salvador Agaman, miyembro ng Drug Enforcement Team ng Caloocan City Police Station-Police Community Precinct (CCPS-PCP) 5.
Sa inisyal na ulat ng Tactical Operations Center (TOC) ng Caloocan Police, habang isinasagawa ang anti-drug operation ng DET ng PCP 5 sa Durian St. Brgy. 178, ay bigla na lamang pinaputukan ang mga operatiba ng isang alyas “Dagul”, na isa umano sa target na maaresto.
Nakipagputukan ang mga pulis subalit si PO3 Agama ang minalas na tamaan sa hita.
Mabilis na naglaho si Dagul sa gitna ng putukan matapos umanong lumusong sa imburnal sa Durian St., na patuloy pang tinutugis habang isinusulat ang balitang ito.
- Latest