^

Metro

Shootout: Holdaper utas

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Shootout: Holdaper utas

MANILA, Philippines -  Patay ang isa umanong kilabot na miyembro ng isang robbery holdup group na sangkot rin sa pagbebenta ng droga matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ng hepe ng Caloocan City Police na si Police Sr. Supt. Chito Bersaluna ang suspect na si Ryan Bertillo, ng  Brgy. 88, Tala ng naturang siyudad. Dead on the spot ito sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente alas-11:55 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Barrio Concepcion Dulo ng naturang barangay.

Bago ang engkuwentro, nagkasa ng buy-bust operation ang mga kagawad ng Drug Enforcement Unit, Police Community Precinct (DEU-PCP) 4, Caloocan City Police sa pamumuno ng commander nito na si Chief Insp. Timothy Aniway laban sa suspect.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa pamamagitan ng P300 marked money at nang matunugan ng suspect na ang katransaksiyon niya ay alagad ng batas, bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Hindi naman tinamaan ang pulis na katransaksiyon nito, dahilan upang gumanti ng putok ang naturang operatiba  hanggang sa  bumulagta at wala ng buhay  ang  suspect. Narekober dito ang kalibre .38 baril, marked money at ilang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Sa rekord ng Caloocan City Police, nasa kanilang drug watchlist  ang  suspect dahil sa umano’y pagbebenta nito ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with