11 terminal sa Pasay, ipapasara

 Nasa 11 pang ter­minals na nasa EDSA sakop ng Pasay City ang nanga­nganib na i-padlock ng Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA) dahil sa nadiskubreng mga paglabag. KIU FADE TEO/File

NATUKLASANg may paglabag

MANILA, Philippines -  Nasa 11 pang ter­mi-nals na nasa EDSA sakop ng Pasay City ang nanga­nganib na i-padlock ng Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA) dahil sa nadiskubreng mga paglabag.

Sa 11 bus terminals na may mga paglabag,  apat dito ang inirekomenda  ni Jojo Garcia, chief of staff  ni   MMDA Chairman Danilo Lim  na isyuhan na ng “closure order”.

Ito ay ang Saint  Rafael Terminal; Saint. Jude at A. Bragais Terminal; Pamar at  Ferdinand Bus Line; at  Mark Eves at Fortune Star Terminal.

Sa isinagawang ocular inspection kahapon,  napag-alaman na ang apat na terminal ng natu­rang mga bus company na pawang nagse-share lamang ay walang mga kaukulang business permit.

“We will give these terminals 15 days to produce the necessary permits or we shall be forced to shut them down,”  ani  Garcia.

Ang inspeksyon ay isinagawa ng MMDA sa pakikipagkoordinasyon sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonio Calix­to at sa  Land Transportation Franchising and Re-gulatory Board (LTFRB).

Sa kanilang findings,  karamihan sa mga terminal ay ang hawak na permit ay para sa garahe lamang  ng airport shuttles at mini-buses papuntang  Cavite, na nagse-share lamang ang mga ito.

Bukod dito, dahil maliit ang space, sinasakop na aniya ng mga bus ang gilid ng kalsada bilang loading at unloading  area ng mga pasahero.

Samantala, ang pitong bus companies na hindi muna tinukoy ay walang mga barangay clearance at nagkaroon ng paglabag sa “nose in, nose out policy”.

Show comments