^

Metro

Ilang paaralan nagsuspinde ng klase

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod ng pangamba na walang masakyang papauwi sa kani-kanilang tahanan ang mga estudyante, kaya napilitang magsuspinde ng klase ang ilang paaralan at unibersidad sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan kahapon.

Pansamantalang hindi pumasada ang libu-libong jeepney drivers at operators na miyembro ng mga grupong PISTON, No To Jeepney Phaseout Coalition, at Save Our Jeepneys Network, at sa halip ay nagtipun-tipon dakong alas- 7:00 ng umaga sa Quezon City Memorial Circle, bago tuluyang nagmartsa patungo sa Welcome Rotonda at saka tumuloy sa Mendiola sa Sampaloc, Manila.

Nais nilang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang planong “phaseout” ng mga lumang pampasaherong jeepneys na tiyak aniyang makakaapekto sa kanilang kabuhayan at nagreresulta sa pagkawala ng trabaho ng daan-daang libong jeepney drivers.

Ayon kay PISTON president George San Mateo, convenor ng coalition, nais nilang direktang idulog kay Pangulong Duterte ang kanilang problema dahil siya lamang umano ang makakaresolba nito.

Iginigiit ni San Mateo na hindi lamang sila sa transport group ang magkakaproblema sa sandaling matuloy ang PUV modernization program ng pamahalaan kundi ma-ging ang mga commuters dahil tiyak na tataas aniya ang singil sa pasahe kung pabibilhin sila ng napakamahal na e-jeepneys at tuluyang ipi-phaseout ang mga lumang jeepney.

Bukod sa protest caravan sa Metro Manila, nagkaroon din ng kahalintulad na aktibidad ang ilang jeepney ope­ratora sa iba pang panig ng bansa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with