Hippo na si ‘Bertha’ hindi namatay sa ‘boredom’
MPRB pumalag sa c
MANILA, Philippines - Hindi namatay sa pagkainip o ‘boredom’ si ‘Bertha’ ang kaisa-isang hippopotamus sa Manila Zoo na itinuturing ding “Oldest hippo” sa buong mundo.
Ayon kay James Albert Dichaves, director ng Manila Parks and Recreations Bureau (MPRB), mali ang bintang ng Animal Rights Group na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na naging malupit ang Manila Zoo sa pagkukulong ng hippopotamus at iba pang wild animals.
Aniya, regular na sumasailalim sa medical checkup si ‘Bertha’ at inaalagaang mabuti ang lahat ng mga hayop sa Manila Zoo .
Sa isang pahayag, sinabi ni James Baker ng PETA na naging mahirap at nakakainip ang naging buhay ni ‘Bertha’ sa Manila Zoo at nakamit lamang nito ang kalayaan ngayong patay na siya.
Dagdag pa ni Dichaves, humiling na siya sa City Hall na kumuha uli ng hippopotamus bilang kapalit ni ‘Bertha’.
Ayon pa kay Dichaves, inaayos na ang planong rehabilitasyon ng buong Manila Zoo na ang prayoridad ay mabigyan ng mas malaki at maayos na tahanan ang mga hayop.
Magdadagdag pa aniya ng iba pang uri ng mga hayop at magtatayo rin ng hiwalay na breeding at resting park para sa kanila.
- Latest