MANILA, Philippines - Nasa 85 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa residential area ng Sta. Clara, Old Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog dakong alas -4:01 ng madaling araw na umakyat pa sa ika-5 alarma bago naapula pagsapit ng alas- 6: 15 ng umaga.
Nagmula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na tinitirhan ng isang Remedios Baclagon Angeles.
Lalo pang kumalat ang apoy nang sumabog ang hinihinalang dalawang tangke ng liquefied petroleum gas sa mga kabahayang apektado. Makitid umano ang daan kaya nahirapang makapasok kaagad ang mga bumbero.
Inilikas na ang mga nasunugang pamilya sa Pamana Building at sa Multi purpose hall ng Barangay 598.
Inaalam pa ng Arson investigator ang sanhi ng sunog.