^

Metro

85 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Sta. Mesa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
85 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Sta. Mesa

Tinupok ng malaking sunog ang maraming kabahayan sa Old Sta Mesa sa Manila kahapon ng madaling araw. Tinatayang aabot sa 85 pamilya ang naapektuhan sa sunog. (Kuha ni RJ Rosales)

MANILA, Philippines - Nasa 85 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa residential area ng Sta. Clara,  Old Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog dakong alas -4:01 ng madaling araw  na umakyat pa sa ika-5 alarma bago naapula pagsapit ng alas- 6: 15 ng umaga.

Nagmula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na tinitirhan ng isang Remedios Baclagon Angeles.

Lalo pang kumalat ang apoy nang sumabog ang hinihinalang dalawang tangke ng liquefied petroleum gas sa mga kabahayang apektado. Makitid umano ang daan kaya nahirapang makapasok kaagad ang mga bumbero.

Inilikas na ang mga nasunugang pamilya sa Pamana Building at sa Multi purpose hall ng Barangay 598.

Inaalam pa ng Arson investigator ang sanhi ng sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with