34 estudyante mula sa Marawi, tinanggap na sa mga paaralan sa Maynila

Nasa 34 na mga mag-aaral na kabilang sa mga lumikas mula sa Marawi ang tinanggap at naka-enrol na sa ibat-ibang pampublikong paaralan sa Maynila.  AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines -  Nasa 34 na mga mag-aaral na kabilang sa mga lumikas mula sa Marawi ang tinanggap at naka-enrol na sa ibat-ibang pampublikong paaralan sa Maynila.

Ito ang nabatid buhat kay Manila Mayor Joseph Estrada, na nagsabi pang dapat ay tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante dahil ito ang  daan para sa kanilang pangarap sa buhay at kanilang tagumpay.

Kaya pa umanong  tumanggap ng marami pang transferees ang lungsod kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga galing sa Marawi at iba pang “conflict areas” sa Mindanao.

 Pansamantala  ding niluwagan ang pagsusumite ng mga documentary requirements ng mga enrollees mula sa Marawi.

Binigyan diin naman ni Schools Superintendent at Department of Education (DepEd)-NCR officer-in-charge Wilfredo Cabral, na kaya pang tumanggap ng mahigit 100 estudyante ang mga public schools sa lungsod.

 Bilang pagtalima sa kautusan ni DepEd Secretary Leonor Briones, sinabi ni Cabral na pansamantala nilang niluwagan ang pagsusumite ng mga documentary requirements ng mga enrollees mula sa Marawi.

“The reason why we’re identifying them is that we would like to know their psychological and mental state so we could find out what kind of assistance we can give to them,” paliwanag in Cabral.

Kailangan aniya ng mga mag-aaral na ito ng counselling upang madali silang makapag-adjust sa bago nilang kapaligiran.

Show comments