^

Metro

‘Ninja cop’, tinodas ng tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang retiradong pulis na sinasabing  ‘Ninja cop’ na high value target (HVT), habang da­lawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga  suspek sa Sta. Ana, Manila.

Dead-on-the-spot si da­ting SPO3 Dennis Padpad, 47, ng Silahis St.,  Sta. Ana, Manila  dahil sa 10 tama ng bala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa  Sta. Ana Hospital si Har­kamal Preet-Singh, 23, In­dian national at si  Rick Jezriel Zamora, 22, na agad na isinugod sa pagamutan.

Sa report ni  Det.  Jef­frey Laus, ng Manila Po­­lice District (MPD)-homicide sec­tion, dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa SMJV Body Fitness na matatagpuan sa Augusto Francisco St., Sta. Ana, Maynila.

Nauna rito,  nag-eeher­sisyo ang biktima nang  pu­masok ang apat na suspek at walang sabi-sabing paulanan ito ng bala bago mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na pa­wang nakasuot umano ng helmet.

Tinamaan ang dalawa pang biktima na nasa loob rin ng gym.

Ayon kay  P/Chief Ins­pector Romeo Estabillo, hepe ng Dagonoy Police Community Precinct ng  MPD-Station 6, si Padpad  ay dati umanong miyembro ng ‘Ninja cop’.

Huli umanong naita­laga sa Sulu si Padpad matapos ang internal clean­sing na isinagawa ng Phi­lippine National Police (PNP) sa mga tauhan nito na nag-early retirement noong nakaraang taon.

Nabatid na ang mga ‘Ninja cop’ ay iyong mga pulis na sangkot umano sa aktibidad ng ilegal na droga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with