P1-M halaga ng cell phone nasabat ng BOC

MANILA, Philippines - Papalo sa halos isang mil­yong piso ang halaga ng dis-assembled units ng Nokia 3310 phones ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs.

Ito’y matapos na mabigo ang dalawang Chinese nationals na magpakita ng import documents, gayundin ang permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Kinilala ang dalawang Chinese na sina Lao Alikhan Unos at Hadji Unis Saaduddin Lao na lulan ng flight PR383 mula Guangzhou, China patungo sa Maynila.

Ayon kay Maj. Jaybee Raul Cometa, head ng X-Ray Ins-pection (XIP) Unit, na minarkahan ng “x” ang kontrabando dahilan para inspeksyunin nila ito sa harap ng kanyang mga tauhan.

Nirekomenda naman ni Ariel Nepomuceno, deputy commissioner ng BOC-Enforcement Group (EG), ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa mga nasabing cell phones dahil sa paglabag sa NTC memorandum circular at  Customs Modernization and Tariff Act.

Ang mga nasabat na mobile phones ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga  ng BOC.

Show comments