^

Metro

Mga dawit sa krimen madali ng makikilala

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
  Mga dawit sa krimen madali ng makikilala

Ang mga high-tech na Digital Composite Sketch gadgets na ipinagkaloob ng QC gov’t sa QCPD (Kuha ni Boy Santos)
 

High-tech na gamit ng QCPD

MANILA, Philippines -  Mas mapapadali na ang pagkilala ng Quezon City Police District (QCPD) sa sinumang indibiduwal na nasasangkot sa krimen dahil sa makabago at high tech na mga kagamitan sa pagguhit ng larawan o ang Digital Composite Sketch gadgets.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ito ay makaraang magkaloob ng 12-piraso ng Digital Compo­site Sketch Appliance na nagkakahalaga ng P18.6 mil­yon ang Quezon City local government sa pangu­nguna ni Mayor Herbert Bautista sa kanilang himpilan. 

Sabi ng opisyal, kung dati ay halos hindi makita ang larawan ng mga suspek na nakukunan ng CCTV footage sa bawat krimen na kanilang ginagawa, sa ngayon ay ma­giging madali na ito bunga ng naturang mga kagamitan.

Sinabi pa ni Eleazar, ma­­­­la­ki ang matutulong ng nasa­bing mga high tech na kagamitan sa paglutas ng krimina­lidad, dahil dito ay malinaw uma-nong maiguguhit ng computer ang mga mukha ng mga suspek base ito sa magiging des­cription ng isang witness.

Ilalagay ang nasabing   mga Digital Composite Sketch Appliances sa 12 Police Stations ng QCPD para magamit sa investigation at mabilis na mailabas ang larawan ng mga individual na sangkot sa krimen. 

Hindi rin umano mahirap gamitin ang nasabing Digital facial appliances dahil kahit umano hindi artist ay mada-ling makakaguhit ng larawan o sketch ng suspek base lang sa ibibigay na description ng testigo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with