MANILA, Philippines - Nalasog ang isang lalaki matapos itong masagasaan ng isang train dahil sa labis na kalasingan, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Kinilala ang biktimang si Relbin Buhay, 25-anyos.
Sa report, naganap ang insidente alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa South bound ng PNR Site, Brgy. Buli, Muntinlupa City habang nakaupo ang lasing na biktima sa may riles habang paparating naman ang isang train na may body number 5.
Sa kalasingan ng biktima ay hindi ito nakaalis ng relis at huli na bago napansin ng train operator na nasagasaan niya ito. Iniimbestigahan pa ng Muntinlupa City Traffic Bureau kung sadyang nagpasagasa ang biktima o dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog ito kung kaya’t hindi ito nakaalis ng riles.