^

Metro

Environmentalist ikinadena ang mga sarili

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Itinali ng kadena ng mga en­vironmentalist na pawang miyembro ng Greenpeace international ang kanilang mga sarili sa gate ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) main office sa Visayas Avenue sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Suot ang kulay orange na damit pang itaas at pantalon na parang mga nakasuot ng damit pang-preso ay nakaupo sila sa gate ng DENR habang naka-kadena ay naglagay pa ang mga kasamahan ng mga ito ng plakard sa gate ng ahensiya ng “not open for business”

Anila ang hakbang ay bilang  pagkondena umano ng kani­lang  grupo sa ginawang pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang Kalihim ng DENR.

Binigyang diin ni Yeb Saño, Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia na ang kanilang hakbang ay pagpapa­kita lamang nila nang pagtutol sa patuloy na pagkontrol ng ma­lalaking korporasyon sa gob­yerno ng Pilipinas para itulak ang kanilang interes.

Giit ni Saño, hindi sila aalis sa kanilang mga kinalalagyan hanggang hindi natutugunan ang kanilang mga hiling, tulad na lamang nang re-appointment kay Lopez at ilabas ng CA ang listahan ng kanilang naging botohan.

Binigyan din ni Amalie­ Obu­san, Country Director ng Greenpeace Philippines, ta­nging si Lopez lamang ang alam nilang may malasakit na panga­lagaan ang kalikasan at kapaligiran sa ating bansa.

Sinuportahan naman ng mga kawani ng DENR ang pro­­testa ng naturang grupo.

ENVIRONMENTALIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with